Patuloy ang pagbibigay ng ayuda ng my brgy. officials sa kanilang nasasakupang informal o seasonal workers alinsunod na rin sa direktiba ng National Government sa pamamagitan ng Department of the Interior and Local Government.

Ayon kay Mayor Marcos Mamay na kahit may ipanatupad na Social Distancing ay patuloy naman ang mga barangay officials sa kanilang goods distribution kasama na dito ang proper documentation para sa.lahat na nangangailangan.

” Sila tanan (Punong Barangays) are required to submit photo-documentation on the distribution of Family Pack in their Barangays for Accountability and transparency, to ensure that all constituents have received such allotment and all goods shall be duly accounted for, ” sabi ni Mayor Mamay

Isang direktiba naman ang inilabas ng alkalde na dapat lahat na mga barangay officials ay manatili Lamang sa kanilang mga nasasakupan at palaging gagawa ng monitoring at para mapakinggan narin ang feedbacks ng mga tao lalo na sa ipinatupad na mahigpit na checkpoints na naglalayong maiwasan ang COVID 19.

Kasama naman na palaging nagsasagawa ng monitoring ang mga members ng Sangguniang Bayan ng Nunungan.

Samantala, taos pusong nagpapasalamat ang mga frontliners na sa nasa checkpoints sa tulong sa kanila ni Nunungan Mayor Marcos Mamay.